-- Advertisements --

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Moderna Covid19 vaccine na Spikevax para gamitin sa pagbabakuna sa mga batang edad 6 hanggang 11 taong gulang sa bansa.

Ito ay matapos na maamyendahan ng FDA ang emergency use authorization (EUA) na inihain ng Zuellig Pharma Corporation.

Ayon kay Dr. Philip Nakpil, medical director ng Zuellig Pharma Corporation, lumalabas sa clinical data na ang dalawang 50-ug doses ng Spikevax Covid19 vaccine Moderna ay mayroong acceptable safety profile at nagpapakita ng malakas na immune response para sa mga batang edad 6 hanggang 11 anyos.

Nakita din na ang efficacy at safety ng Spikevax Covid19 vaccine Moderna sa naturang age group ay kapareho lamang sa adults.

Inihayag naman ni Jeff Folland, general manager ng ZP Therapeutics sa pilipinas na ang approval sa amended EUA ng Spikevax covid19 vaccine Moderna ay makapaghihikayat sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak at protektahan sila mula sa malalang epekto ng nakamamatay na sakit.

Ito na ang ika-anim na COVID-19 vaccine na ginarantiyahan ng FDA ng amendment sa EUA.