Ipinagmalaki ng kompaniyang Moderna na mayroong 96 percent na epektibo ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga kabataan na may edad 12 hanggang 17.
Ito ay base sa kanilang isinagawang unang clinical trials.
Dagdag pa nito na walang nakitang anumang matinding epekto at ang tolerable lamang ang nasabing side effects ng bakuna.
Sa unang dose ay makakaranas lamang ng pananakit sa lugar kung saan itinurok ang bakuna habang sa ikalawang dose ay makakaranas ang pasyente ng pananakit sa ulo, pagkahapo at panginginig na kaparehas din ng mga nasa tamang edad na naturukan na ng bakuna.
Magugunitang nag-aplay na ang Pfizer at BioNTech ng authorization sa US at Europe para magamit ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga kabataan na may edad 12-15.
Tanging ang Canada lamang ang kauna-unahang bansa na nagbigay ng authorization sa Pfizer na turukan ang nasa 12-15 anyos.