-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng pharmaceutical company na Moderna na ligtas ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga mayroong edad 12-17.
Ito aniya ang lumabas sa ginawa nilang clinical trials kung saan walang anumang naging epekto sa mga menor de edad.
Ang nasabing pag-aaral ay kanilang isusumite sa US Food and Drugs Administration at ibang mga regulators para makakuha na sila ng emergency use authorization pagdating ng Hunyo.
Unang inaprubahan ang bakuna sa may edad 18 pataas.
Umabot rin sa mahigit isang buwan bago mabigyan ng emergency authorizaiton ang Pfizer/ BioNTech para mabigyang authorization ang mga may edad 12-15.