-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng kumpanyang Moderna na ang kanilang COVID-19 vaccine ay 93% effective hanggang anim na buwan matapos ang ikalawang dose.
Iminungkahi din nila ang pagkakaroon ng booster dahil sa posibilidad na pagbaba ang antibody levels.
Isa ang Moderna kasama ang ang Pfizer at BioNTech na nagsusulong ng ikatlong shot para mapanatili ang mataas na level ng proteksyon laban sa COVID-19 lalo na ang mga nakakahawang variant nito.
Sinabi ni Moderna Chief Executive Stephane Bancel na hindi na sila makagawa ng mahigit 800 milyon hanggang 1 bilyon doses ng bakuna dahil naabot na nila ang kanilang target ngayong taon.