-- Advertisements --
Magbibigay ang pharmaceutical company na Moderna ng isang bilyong doses ng COVID-19 vaccine sa mga mahihirap na bansa sa taong 2022.
Ang nasabing bilang ay bahagi ng 2-hanggang-3 bilyong doses na pinangakong gagawin nila sa susunod na taon.
Ayon kay Chief Executive Officer Stéphane Bancel na aabot na sa 250 milyon katao na ang naturukan ng Moderna COVID-19 vaccine at naging pahirapan ang pagbili ng bakuna sa mga bansa.
Inanunsiyo din nila ang planong pagtayo ng factory sa Africa para makagawa ng 500 milyon na doses ng bakuna kada taon.