Napakiusapan ng pamahalaan ang Moderna na makapag-deliver sa bansa nang mas maaga ng kanilang COVID-19 vaccines.
Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., inaasahang lalagda na sila ng term sheet para sa bibilhing Moderna vaccines posible ngayong araw.
Ayon kay Sec. Galvez, sa Setyembre pa sana ngayong taon ang orihinal na petsang makapagde-deliver ang Moderna pero sa kanilang ginagawang pakikipagnegosasyon, nakuha nila ang commitment ng Moderna na gagawin ang delivery sa Mayo dahil lubhang kailangan na talaga ang bakuna.
Inihayag ni Sec. Galvez na tulong-tulong sila ng pribadong sector at local government units (LGUs) sa pamamagitan ng tripartite agreement para makakuha ng 20 million doses mula sa Moderna.