-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng drug company na Moderna na kung bakit bumagal ang paggawa nila ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa kumpanya na nagkakaroon lamang ng pagkakantala dahil sa laboratory testing operations .
Reaksyon ito sa naging reklamo ng South Korea dahil sa pagkaantala ng suplay ng Moderna COVID-19 vaccine ngayong buwan.
Paliwanag ng Moderna na wala silang stock kaya nagkaroon sila ng problema sa pag-suplay sa ibang mga bansa.
Tiniyak din nila na makakabalik sa normal ang suplay ng bakuna pagkatapos ng hanggang apat na linggo.