-- Advertisements --

Nagsimula ng umalis mula sa kanilang bodega ang ilang milyong doses ng COVID-19 vaccine ng kumpanyang Moderna.

Ipapamahagi ito sa iba’t-ibang healthcare facilities sa buong United States.

Ang nasabing distribusyon ay isinagawa ilang araw matapos na makakuha ang nasabing kumpanya ng emergency authorization mula sa US Food and Drugs Administration.

Nasa 3,700 na lugar sa US ang target ng Moderna na mabigyan ng kanilang bakuna.

Mula sa kanilang planta sa Bloomington, Indiana ay ipapakalat ito sa mga lugar ng Louisville, Kentucky at Memphis, Tennessee.

Nauna ng plano ng US government na mamahagi ng 5.9 milyon na Moderna shots at 2 milyon na Pfizer shots ngayong linggo.