-- Advertisements --

Nag-apply ang Moderna ng approval sa medicine regulator ng European Union para magamit ang kanilang COVID-19 vaccines sa mga batang edad 6-11.

Ayon sa US biotechnology company na ang dosage para sa injections na may apat na linggo ang pagitan ay binawasan sa 50 micrograms.

Sinabi naman ni Stephane Bancel ang chief executive ng Moderna na labis silang nagagalak sa pagsumite nila ng nasabing variation sa European Medicine Agency.

Ito aniya ang unang pagkakataon na nagsumite sila ng paggamit ng bakuna sa nasabing age group.