Target ng Moderna na makompleto ang kanilang pag-aaral at pagsusumite ng US authorization ng COVID-19 booster shot na panlaban sa omicron variant sa March 2022.
Naniniwala si Moderna President Stephen Hoge, na ang booster shots na mayroong genes na target ang mutations ng bagong Omicron variant ang pinakamabilis na paraan para matugunan ang anumang waning o paghina ng vaccine efficacy.
Sa ngayon sinimulan na ang naturang programa at kasalukuyang inaaral din ng vaccine firm ang multi-valent vaccine laban apat na COVID variants kabilang ang Omicron.
Pag-aaralan naman ng vaccine firm kung ang mga fully vaccinated recipients ng Moderna vaccines ay protektado laban sa variant gayundin ang mga nakatanggap ng 50 microgram at 100 microgram booster doses.
Maaaring abutin ang clinical testing ng booster shot ng tatlo hanggang apat na buwan.