-- Advertisements --
Naniniwala ang pharmaceutical company na Moderna na maaprubahan agad ng US Food and Drugs Administration (US FDA) ang kanilang COVID-19 vaccine.
Hiniling kasi ng kompaniya sa FDA na pag-aralang mabuti ang kanilang expanded data na nagpapakita ng 94.1% effectivity sa pagpigil sa COVID-19 at 100% effective sa prevention ng severe cases ng sakit.
Naging emosyunal si Dr. Tal Zaks ang chief medical officer ng kompaniya ng makita ang matagumpay na datos.
Ang Moderna ay siyang pangalawang kompanya na nag-apply sa FDA para sa emergency use authorization para sa coronavirus vaccine.
Magugunitang noong November 20 nang mag-apply ang Pfizer matapos ang mataas na effectivity rate ng kanilang bakuna.