Nagkaroon na umano ng magandang resulta ang COVID-19 vaccine mula sa kompanyang Moderna.
Sinabi ni Dr. Tal Zaks, ang chief medical officer ng drug company Moderna, na sa naging resulta ng Phase 1 clinical trial ay nagkaroon ng mabuting resulta sa katawan ng mga sumailalim sa experiment.
Tinawag na mRNA-1273 ang nasabing experimental vaccine kung saan walang kakayahan ito na magdulot ng impeksyon o magpalakas ng sintomas ng COVID-10 at ito ay magandang response sa immune system.
Ang vaccine trials na pinapatakbo ng National Institute of Allergy and Infectious Disease ng US ay gumagawa pa ng antibodies na puwedeng ma-neutralize ang coronavirus.
Sa loob ng 45 na katao na sumailalim sa experiment ay walo lamang ang na-test kung saan binigyan ang mga ito ng low, middle at high dose.
Sinabi pa ng kompaniya na magsisimula na silang gagawa ng maraming bakuna pagdating ng Hulyo.