Inamin ng pinuno ng drugmaker na Moderna na ang mga bakuna sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) ay hindi magiging kasing epektibo laban sa bagong Omicron variant.
Ayon kay Moderna Chief Executive Stéphane Bancel, naniniwala siya na may mangyayaring “material drop” sa financial market ngunit hinihintay pa ang data.
Lahat aniya ng mga scientist na kaniyang nakausap ay nagsabi na parang hindi ito magiging epektibo.
Dagdag pa nito na ang vaccine resistance ay maaaring humantong sa mas maraming sakit, pagkakaospital at pahabain ang pandemya.
Makaka-trigger din umano ito sa pagbebenta ng mga “growth-exposed” assets tulad ng langis, stock at Australian dollar.
Nauna na niyang sinabi na maaaring tumagal pa ng ilang buwan bago masimulan ang pagpapadala ng isang bakuna na gumagana talaga laban sa Omicron variant ng COVID-19.
Ang takot sa bagong variant, sa kabila ng kakulangan ng impormasyon tungkol sa kalubhaan nito, ay nagdulot na ng mga pagkaantala sa ilang plano na muling pagbubukas ng ekonomiya at ang pagpapatupad uli ng paghihigpit sa paglalakbay.