Tinatarget ngayon ng Department of Health na magpatupad ng modernisasyon sa buong Kagawaran ng Kalusugan ngayong taong 2024.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, sa ngayon ay binabalangkas na ng mga opisyal ng kanilang kagawan ang mga plano nito para gawing moderno ang DOH.
Ito ay alinsunod pa rin sa layunin ng ahensya na mas matugunan pa ang issue sa inequity sa mga probisyon ng primary healthcare services para sa mga Pilipino.
Aniya, kabilang sa kanilang mga inihahandang plano ay ang pagtatayo ng mga ambulatory primary care centers na mayroong kumpletong laboratoryo, mga gamotm at imaging upang hindi na kailanganin pang makipagsiksikan ng mga pasyente sa malalaking mga pagamutan sa bansa.
Ang paglikha ng national ambulatory at urgent care centers sa buong bansa ay inaasahang siguradong makakatanggap ng ang lahat partikular na ang mga mahihirap ng mga healthcare services ng pamahalaan na kahalintulad ng mga serbisyong iniaalok sa mga modern hospitals.
Kaugnay nito ay inihayag din ng DOH na tinatarget din nito na dagdagan pa ang immunization coverage ng hanggang 95% para sa mga batang may edad na limang taong gulang.
Layunin naman nito na mapababa pa ang under nutrition rate sa mga bata mula sa kasalukuyang 27% na na itala ng kagawaran.
Gayundin ang target na pagpapababa sa maternal mortality death at teenage pregnacy sa bansa, at maging sa mga kaso ng tuberculosis at human immunodeficiency virus, at marami pang iba.