-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Isasailalim sa pagsasanay at seminar ang mga guro sa rehiyon ng Cordillera para matiyak ang modernong paraan ng pagtuturo o ang tinatawag na 21st Century way of teaching.

Ayon kay Baguio City Schools Division Senior Education Program Specialist Ellaine Cabuag, kailangang matutunan ng mga guro ang modernong pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyanteng millenials o ang maga 21ST century learners.

Ito ay matapos makita ng mga guro na maraming mga estudyante ang hindi nakikilahok sa mga aktibidad ng paaralan tungkol sa pamilya.

Maglulunsad ang DepEd ng isang pagsasanay kung paano magturo na hindi maaapektuhan sa emosyonal na aspesto ng mga bata.

Ayon pa kay Cabuag, kasama sa pagsasanay ang pag-iintindi sa mga ugali at kilos ng mga estudyante.