CENTRAL MINDANAO-Pinalawig pa ang Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa lalawigan ng Maguindanao.
Itoy kasabay ng pagpapalabas ng bagong memorandum order #36 noong Oktubre 31 alinsunod sa direktiba ni IATF Chair at Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu .
Kabilang sa nilalaman ng panuntunan ang pagpapatuloy ng No Movement Sunday bukod pa sa pag- implementa ng Minimum Health protocols kontra Covid 19 .
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagtutok ng Provincial Government para macontain ang Covid-19 sa Probinsya.
Samantala nagbigay na rin ng vitamins , gamot at iba pang tulong ang PGO sa mga police trainees na kinapitan ng covid-19.
Sa report mula IPHO umabot na sa 183 mula Pro Barmm Headquarters ang nagpositibo sa Covid, 180 ay mga police trainees habang 3 ang enlisted personnels.
Kasalukuyang nasa Notre Dame Parang ang mga ito at isinailalim sa Isolation at Inaasahang ngayong linggo ay magtatapos ang quarantine ng mga police trainees.
Habang nasa maayos na ring sitwasyon ang isang Vice Mayor na nagpositibo sa Covid 19 mula Maguindanao.