-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipinapatupad na ngayon ang modified liqour ban sa lunsod ng Baguio.

Batay sa utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nag-umpisa ang implementasyon ng modified liqour ban kahapon, Nobyembre 20 at magtatapos sa Disyembre 4, 2020.

Nakasaad sa utos ng alkalde na epektibo ang ban mula alas otso ng gabi hanggang alas otso ng umaga.

Ipapatupad ng Baguio City Police Office, Public Order and Safety Division,
City Health Services Office at Permits and Liscensing Office ang modified liqour ban sa lunsod.