-- Advertisements --

Pinulong ni NCRPO chief MGen. Debold Sinas ang mga rail transit security managers and officers kahapon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Layon nito na makabuo ng plano o isang action plan sa sandaling balik na sa normal ang biyahe ng mga tren.

Kasama din sa nasabing pulong ang Command Group ng NCRPO at mga deputy directors for operations.

Inilalatag na rin ng NCRPO ang kanilang security plan sa posibleng mga senaryo sa sandaling balik na ang operasyon ng mga tren.

Ayon kay NCRPO chief MGen. Debold Sinas ang nasabing security plan ay naaayon sa guidelines na itinakda ng pamahalaan.

Siniguro ni Sinas na nakahanda ang mga Metro Cops na tumulong sa mga
Rail Transit Security Managers/ Officers para masigurado ang kaligtasan ng mga commuters.

Dagdag pa ng heneral na para maging epektibo ang kanilang mga plano magsasagawa sila ng Simultaneous Exercise sa darating na May 26, 2020, ala-1:00 ng hapon ng sa gayon kanilang maranasan ang aktual na sitwasyon na posibleng mangyari.

Giit ni Sinas layon ng Simex para makita kung mayroon bang dapat na gagawing adjustment sa kanilang binuong modified security plan at procedures bilang paghahanda na rin sa the “new normal.”