-- Advertisements --
Pinapabilisan na Mandaluyong City Government at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatapos ng mega-hospital sa loob ng National Center for Mental Health (NCMH).
Dito ilalagay ang mga pasyente na dinapuan ng COVID-19 sa National Capital Region at karatig na probinisya gaya ng Calabarzon at Central Luzon.
Mayroong kabuuang 132 na bed capacity ang nasabing modular hospital na bawat isa ay mayroong 22 rooms.
Inaasahan na ito ay bubuksan na sa susunod na buwan.
Sa nasabing modular hospital ay mababawasan ang pasanin ng mga health workers.