-- Advertisements --

Kinumpirma ng singer na si Jason Hernandez na hiwalay na sila ng asawang si Moira dela Torre.

Sa kaniyang social media acocunt ay sinabi nitong napagdesisyon nilang mag-asawa na maghiwalay na.

Jason Hernandez

Sa tatlong taon ng pagiging kasal ay nananatili pa rin ang kanilang pagmamahal at respeto sa isa’t-isa.

Nakasaad din sa caption na hindi ito naging tapat sa asawa.

Hiniling din nito sa mga fans ang privacy.

Magugunitang noon pang Abril ay kumalat ang usapin na hiwalay na ang dalawa dahil sa pagtanggal ni Moira ng videos kasama ang asawa sa kaniyang mga social media.

Ikinasal ang dalawa noong Enero 14, 2019 sa Tagaytay matapos ang pagsasailalim ng civil wedding noong Enero 8, 2019.