-- Advertisements --

Pinasalamatan ng OPM singer na si Moira ang kaniyang fans dahil sa panibagong record na kaniyang natanggap.

Sa social media account nito ay inanunsiyo niya na umabot na sa 2 bilyon streams ang kanta niya sa Spotify.

Siya lamang ang unang Filipino soloist at unang babaeng singer sa bansa at pangalawang Pinoy artist na umabot ng nasabing 2-B streams.
Unang nakagawa kasi nito ay ang banda ng Ben&Ben.

Itinuturing si Dela Torre na most-streamed Filipino artists sa Spotify na mayroong 3.5 milyon na monthly listeners.

Ilan sa mga pinasikat nitong mga kanta ay ang “Paubaya”, “Tagpuan” at “Malaya”.