BACOLOD CITY – Inirekomenda na ng mga otoridad sa Negros Occidental ang pagsasailalim sa control ng Commission on Elections (Comelec) ang bayan ng Moises Padilla.
Ito’y kasunod ng pagkasawi ng kapatid at pamangkin ni Vice Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo kamakailan sa isang ambush.
Ayon kay provincial election supervisor Atty. Salud Villanueva, bukod sa naturang insidente ay nagging rason din ang presensya ng private armed groups at New People’s Army sa lugar kaya nila inirekomenda ang Comelec control.
Sa ngayon hinhintay na raw ng kanilang tanggapan ang desisyon ng en banc sa rekomendasyon.
Sa ilalim ng Comelec control, isasalin sa tanggapan ang full control sa lahat ng national and local agencies na may kaugnay sa eleksyon, kabilang na ang reshuffling o relief ng mga kapulisan.