Roxas City – Pormal ng inilunsad ng pamahalaan ng lalawigan ng Capiz ang Roxas Memorial Provincial Hospital Out-Patient Department Molecular Laboratory ngayong Martes, Disyembre 15, 2020.
Ito ang pinangunahan ni Capiz Governor Esteban Evan Nonoy Contreras at DOH Regional Director Dr. Marlyn Convocar sa pamamagitan ng ribbon cutting.
Pinasiguro naman ng DOH-6 na magbibigay sila ng 1.5 million pesos na pondo para sa dagdag na mga medical equipment na gagamitin para sa naturang laboratoryo.
Ayon kay Contreras na malaking tulong ito sa 16 na bayan sa lalawigan at lungsod ng Roxas upang mapadali ang paglabas ng resulta ng Swab Test o RT-PCR Test.
Sinabi rin ng gobernador na bukas ang laboratoryo sa lahat ng serbisyo, private hospitals at iba pa.
Nabatid na ito na ang ika-12 molecular laboratory sa buong Western Visayas.