-- Advertisements --

Mismong ang Greece Prime Minister Kyriakos Mitsotakis ang nanguna sa pagpanumpa sa ina at nakababatang kapatid ni NBA superstar Giannis Antetokounmpo para pormal na maging Greek citizen.

Ginanap ang seremonyas para sa ina ni Giannis na si Veronica at kapatid na si Alex sa official residence ni Mitsotakis.

Ito ang ikalawang pagkakataon na bumalik sa Greece si Giannis sa loob ng dalawang buwan.

Ang Milwaukee Bucks stars ay ipinanganak sa Athens gayunman ang kanyang mga magulang ay nagmula sa Nigeria at nag-migrate sa Greece bago ipinanganak ang kanyang mga kapatid.

Si Giannis ay naging Greek citizen noong taong 2013 kaya pinayagan itong maging bahagi ng NBA nang piliin siya ng Bucks bilang No. 15 sa overall pick.

Samantala ang pangalawa sa magkakapatid na si Thanasis ay bago lamang lumagda sa two-year deal sa Bucks.

Si Kostas naman na younger brother ni Giannis ay huling naglaro sa Los Angeles Lakers pero lumipat na rin sa Olympiacos sa Greece.

Habang si Alex na pinakabata ay pumirma ng deal sa Spain.