Patuloy umano ang pagsasagawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng digital parenting conference na naglalayong tulungan ang mga magulang na i-monitor ang aktibidad ng kanilang mga anak sa social media.
Kasunod na rin ito ng kontrobersyal na “Momo Challenge” na napaulat na nanghihikayat sa mga bata na magpatiwakal.
Ayon kay DICT Asec. Allan Cabanlong, kinakailangan nila ang tulong ng mga magulang, na siyang may pinakamalaking impluwensiya sa kanilang mga anak, sa pag-monitor sa kanilang mga online activities.
“It is our fervent hope that parents play an active role in monitoring their kids online as the greatest influence to children is not the government nor the schools, it’s them — the parents,†pahayag ni Cabanlong.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-monitor ng DICT-Cybersecurity Division sa sitwasyon.
Nakatakda rin umanong bumuo ng mga polisiya at technical remedies ang kagawaran upang tugunan ang isyu.