Nagpasaring ang broadcaster at special envoy to China na si Mon Tulfo sa kanyang kapatid na si Ben kaugnay ng kontrobersya sa P60-milyon TV advertisment deal ng Department of Tourism o DOT noong 2018.
Sa isang online post, sinagot ng nakatatandang Tulfo ang pahayag ng isang user na kuwestyon sa kanyang pahayag kontra sa pagdo-donate ni former DFA Sec. Albert del Rosario ng P500,000 sa Recto Bank 22.
Ipinunto ni Tulfo na ang kanyang nakababatang kapatid ang umano”y “nagnakaw” ng P60-milyon sa kontratang ipinasok noon ng DOT sa kompaniyang pag-aari ni Ben.
Una nang sinabi ni Mon na “casualty” lang na maituturing ang pagkakadawit ng kanilang kapatid na si dating Tourism Sec. Wanda Teo sa naturang kontrobersya.
Kung maaalala napilitang nag-resign noon sa kanyang puwesto si Wanda.