LEGAZPI CITY – Pinaigting pa ang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga noche buena products sa pagpasok ng Disyembre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DTI Albay Provincial Director Leah Pagao, wala pa naman umanong nakitaan ng mga pagtaas sa presyo.
Ito ay kahit pa hindi kabilang sa price freeze ang mga prime commodities na kagaya ng mga naturang produkto.
Ayon pa kay Pagao, walang paggalaw sa presyo ang mga manufacturer kung saan Suggested Retail Price (SRP) pa rin sa nakaraang taon ang sinusunod.
Sa katunayan umano, gumagawa rin ng paraan ang mga distributor upang makatulong sa pamamagitan ng promo sa noche buena package.
Paalala lamang nito sa mga mamimili na maging wais pa rin at tingnan ang label ng mga produkto kung expired na o nearly expired.
Habang sapat naman umano ang suplay ng noche buena products kaya’t hindi dapat na mag-panic buying.