CENTRAL MINDANAO- Nakatutok ang Department of Agriculture (DA-12) sa pananalasa ng armyworms sa sampung bayan sa rehiyon.
Pinaigting ng DA-12 sa pamumuno ni Regional Director Mila Casis ang pagsubaybay sa mga pananim na mais laban sa peste na armyworms.
Kinumpirma ni DA 12 Regulatory Division Chief, Dr. John Pascual,ang After Fall Armyworm o FAW infestation sa ilang mga bayan sa Soccksargen.
Kaugnay nito pinulong na DA 12 ang mga kasapi ng FAW Technical Working Group para mapigilan ang pagkalat ng mga pesteng army worn sa rehiyon 12.
Dagdag ni Pascual na apektado ng armyworms ang ilang mga maisan sa sampung mga lugar sa rehiyon.
Ang mga ito ay mga bayan ng Polomolok at Koronadal City sa South Cotabato; Alamada, Kabacan at Carmen sa North Cotabato; Bagumbayan, Esperanza at Tacurong City sa Sultan Kudarat; Maasim sa Sarangani; at General Santos