Sanib-puwersang mas paghihigpitan pa ng liderato ng Bureau of Customs at Ninoy Aquino International Airport ang pagmomonitor sa mga shipment sa bansa.
Bahagi ito ng pagsusumikap ng pamahalaan na tuluyan nang puksain ang smuggling ng mga iligal na droga sa bansa kung saan isa sa mga tututukan ng mga otoridad ay ang mga shipment na mula sa mga lugar na tinukoy na kabilang sa high risk countries.
Ayon kay BOC-NAIA Siegfred Manaois, ang hakbang na ito ay layuning protektahan ang bansa mula sa iligal na droga na dala ng mga international drugs syndicates tulad ng Chinese Triad, African drug cartel, at Senaloa sa Mexico.
Dahil dito ay isasailalim na ngayon sa strict inspection ang lahat ng mga shipment na magmumula sa ibang mga bansa partikular na sa K9 units, bukod pa sa Xray machines upang siguraduhin na walang iligal na droga na makakapasok sa bansa.