-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi maaapektuhan ang presensya ng kanilang mga tauhan sa West Philippine Sea, kahit abala na ang ahensya sa unti-unting buhos ng mga umuuwi sa mga lalawigan.

Ayon kay PCG spokesman Capt. Armand Balilo sa panayam ng Bombo Radyo, malaya naman ang mga tao na magtungo sa bahaging iyon ng dagat, ngunit maraming konsiderasyon na dapat isaalang-alang.

Kabilang na rito ang lagay ng panahon, presensya ng ibang vessel at iba pa.

Matatandaang ilang politiko ang nagtangkang bumyahe sa nasabing parte ng dagat, ngunit nagkaroon ng kalituhan sa koordinasyon.

Nilinaw naman ng PCG na hindi lang Chinese vessel ang tinututukan nila, kundi maging ang mga nanggaling din sa iba pang mga bansa.

Hindi rin umano sila nag-iisa sa monitoring dahil katuwang nila ang Department of Agriculture (DA) na nakakasakop sa BFAR, Department of National Defense at Department of Transportation (DOTR).