Patuloy pa rin sa kanyang pagbasag sa NBA record books ang 37-anyos na si LeBron James matapos na pangunahan ang panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Golden State Warriors, 124-116.
Nagbuhos ai James ng season high na 56 big points mula sa 19-of-31 shooting, kasama na ang anim na three-pointers, at liban pa sa 10 rebounds, three assists at one block sa all-around game.
Natuldukan na rin ng Lakers ang apat na sunod-sunod na talo habang nasa three game losing streak naman ang karibal na Warriors bago ang laro.
Namemeligro ngayon ang Lakers na makahabol sa play-in tournament dahil sa pang-siyam sila sa puwesto sa Western Conference.
Samantala, naging makasaysayan naman ang inilaro ni LeBron dahil siya ang unang player na may 50-point game bago mag-21-anyos at pagkatapos ng edad 35.
Siya rin ngayon ang oldest player sa NBA history sa edad na 37, na may at least 55 points at 10 rebounds sa isang game.
Ang iba pang mga players na nakapagtala na ng 50 plus points sa edad na 37-anyos ay sina Michael Jordan, Kobe Bryant, at Jamal Crawford.