Nag-deploy ang Monster ship ng Chin ng isang maliit na inflatable boat sa Escoda shoal nitong araw ng Biyernes.
Kaugnay nito, naglunsad ng radio challenge ang barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua na nagbabantay sa shoal. Dito, tinanong ng PCG ang pakay ng Chinese vessel sa lugar at iginiit na nago-operate ito sa loob ng EEZ ng PH.
Sa kabila ng radio challenges sa panig ng PH, sinabi ng PCG na hindi direktang tumugon ang CCG hinggil sa kanilang pakay sa lugar.
Una na ngang iniulat ng PCG na matagumpay na na-track ang mga galaw ng monster ship sa West Philippine Sea gamit ang Dark Vessel Detection technology ng Canada.
Noong Hulyo 1, umalis ang dambuhalang barko mula Hainan at muling bumalik at pumasok sa exclusive economic zone ng PH sa sumunod na taw.
Hulyo 3 naman nang naglayag diretso sa Ayungin shoal at kalaunan ay nagtungo sa Panganiban reef. Ilang oras ang nakalipas, muling nadetect ito na tinatahak ang direksiyon patungo ng Escoda shoal.
Simula nga noong Hulyo 3, nakaangla na ang Monster ship sa Escoda shoal at pinanatili nito ang malapit na distansiya na less than 800 yards lamang mula sa BRP Teresa Magbanua.
Idineploy naman ang BRP Teresa Magbanua ng PH sa Escoda shoal mula pa noong Abril dahil sa umano’y pagtatangka ng China na magsagawa ng reclamation activities sa naturang karagatan kasunod ng nadiskubreng mga durog at patay na corals sa lugar.