Patuloy pa rin umano ang pananatili ng China Coast Guard vessel 5901 (The Monster) sa Sabina Shoal.
Kahapon nang una nang iniulat ni dating US Air Force colonel at dating Defence Attaché Ray Powell ang pananatili ng naturang barko sa WPS at pagbabanta sa Philippine Coast Guard vessel na BRP Teresa Magbanua.
Sa huling update ng maritime security expert, ang monster ship umano ng China ay mayroon lamang 600 meters ang layo mula sa Teresa magbanua na kapwa nasa loob ng WPS.
Ang BRP Teresa Magbanua ay dati nang naka-istasyon sa Escoda Shoal mula pa noong Abril at nagbabantay sa mga napaulat na reclamation activities ng China sa lugar.
Ang Escoda Shoal ay may layong 75 nautical miles o 140 km mula sa Palawan. Ito ay nasa ilalim pa rin ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Nitong Miyekules, July 5 nang kinumpirma ng Phil Navy ang pagbabalik ng Monster ship sa Ayungin Shoal ngunit agad tumungo sa iba pang maritime features ng bansa.