Idinetalye ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw na napakalapit na sa El Nido, Palawan kesa sa naunang pinaniniwalaang distansiya ng Monster ship ng China nang dumaan ito sa lugar noong araw ng Martes, Hunyo 25.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriel, napanatili ng dambuhalang barko ng China Coast Guard na may bow number na 5901 ang malapit na distanisyang 34 nautical miles mula sa baybayin ng El Nido, Palawan.
Base kasi sa unang pagtaya ng West Philippine Sea monitoring ng US maritime security expert na si Ray Powell, namataan ang Chinese ship 40 nautical miles mula sa El Nido, Palawan subalit nasa labas pa rin ito ng 12-nautical mile territorial sea, isang red line na sa oras tawirin ng Chinese vessel, maituturing itong direktang banta sa soberaniya ng Pilipinas.
Nitong Miyerkules, iniulat din ni Powell na wala ng presensiya ang naturang barko ng Chin sa El Nido, Palawan na nakitang dumaan malapit sa Scarborough shoal.
Kaninang alas-8 ng umaga nitong Huwebes, namataan ang monster ship na nasa bisinidad na ng katubigan ng Hainan Island.