-- Advertisements --

Umalis na ang “monster ship” ng China Coast Guard (CCG) sa Escoda Sabina Shoal sa West Philippine Sea.

Kinumpirma ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, PH navy spokesperson for the West Philippine Sea, na lumabas na sa exclusive economic zone ng bansa ang barkong CCG na may hull number 5901.

Gayunpaman, hindi tinukoy ng opisya kung kailan umalis ang barko sa paligid ng shoal, kung saan nagbabantay at pinapanatili ng Philippine Coast Guard (PCG) BRP Teresa Magbanua ang presensya nito sa lugar.

Sa ngayon, walang ipinadalang kapalit ng monster ship.

Maalala, idineploy noong Hulyo 3 ang dambuhalang barko ng China sa may Escoda shoal.