-- Advertisements --

Umalis na ang dambuhalang barko ng China Coast Guard na tinatawag na Monster ship mula sa kabuuang bisinidad ng El Nido, Palawan.

Ito ay base sa West Philippine Sea monitor ni Sealight director at US maritime security expert na si Ray Powell.

Dakong 7am, dumaan ang monster ship na may bow number 5901 sa 1 hanggang 2 kilometers mula sa shoal.

Una rito, unang namataan ang higanteng barko sa layong 40 nautical miles lamang mula sa El Nido nitong araw ng Martes.

Noong Lunes naman naispatan itong umaaligid sa Ayungin kung nasaan ang BRP Sierra Madre at sa Sabina shoal kung saan naka-istasyon ang BRP Teresa Magbanua.