Tinawag ng World Health Organization (WHO) na “monumental moment” ang hakbang ng World Trade Organization (WTO) na pansamantalang itigil ang patent protection ng coronavirus vaccine bagay na sinusuportahan ng Amerika.
Ang India at South Africa ang siyang nagpanukala sa nasabing plano upang tumaas ang vaccine production sa buong mundo.
Ngunit, pinagdedebatehan ito ng mga drug manufacturers dahil sa dalang epekto nito.
Tanging sinabi naman ni US Trade Representative Katherine Tai na ang pambihirang oras ay panahon na para sa mga pambihirang hakbang.
Nagbabala naman ito na matatagalan pa upang magkaroon ng kasunduan sa bagay na ito.
Aabot umano sa 100 members ng World Trade Organisation (WTO) ang pabor sa nasabing hakbang at nakatakdang pag-usapan ang panel on intellectual property sa susunod na buwan.
Ibig sabihin ng intellectual property ay ang creations nito gaya ng inventions na pinoprotektahan ng patents, copyrights and trademarks.
Napag-alaman na kapag ito ay maaprubahan, papayagan ng waiver ang paggawa ng mga bakuna at magbigay ng mas abot-kayang doses para sa mga mas mayayamang bansa. (with reports from Bombo Jane Buna)