Pinanatili ng Moody’s Ratings (Moody’s) ang investment-grade credit rating ng Pilipinas na “Baa2” na may “stable” outlook.
Ayon sa credit rating agency, ang mga pangunahing dahilan sa likod nito ay ang mga reporma ng bansa upang paluwagin ang ekonomiya, pagsisikap sa fiscal consolidation, at matatag na macroeconomic fundamentals.
Ayon sa Moody’s, ang pagpasa ng mga reporma sa nakalipas na mga taon upang paluwagin ang ekonomiya ng Pilipinas ay susuporta sa potensyal na pagpapabuti sa medium-term sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang business-friendly na kapaligiran at pag-akit ng mga dayuhang pamumuhunan.
Sa ikalawang quarter ng 2024, iniulat ng Philippine Statistics Authority ang 6.3 porsyentong paglago ng gross domestic product (GDP) taon-taon.
Ang net inflows ng foreign direct investment (FDI) mula Enero hanggang Mayo 2024 ay tumaas ng 15.8 porsyento sa USD4.0 billion, kumpara sa parehong panahon noong 2023.
Inaasahan ng Moody’s na magpapatuloy ang pagtaas ng investment inflows sa 2024-2025.
Ang inflows na ito ay nagbibigay ng malakas na interes para sa mga mamumuhunan sa sektor ng enerhiya, manufacturing at information and communications.
Binanggit din nito ang layunin ng administrasyong Marcos na pataasin ang pamumuhunan sa imprastruktura sa 5.0 porsyento ng Gross Domestic Products taun-taon sa ilalim ng inisyatibong “Build Better More,” na magbabawas sa kakulangan ng imprastruktura ng bansa.
Sa kanyang tugon, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli M. Remolona, Jr., na tinatanggap ng BSP ang pagpapatibay ng Moody’s sa investment-grade rating ng bansa, habang patuloy kaming nakikipagtulungan sa gobyerno upang mapabuti ang mga rating ng bansa.