Mayruon nang go signal ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat ng government agencies, state universities colleges na maaari na nilang gamitin ang kanilang MOOE para sa pagpapatupad ng health protococols ngayong patuloy sa paglobo ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Atty. Aileen Lizada.
Sinabi ni Lizada nakipag-ugnayan sila sa DBM hinggil sa paggamit ng pondo ng mga ahensiya lalo at marami din sa mga government employees ang tinamaan ng Covid-19 infection.
At para matulungan ang mga nasabing empleyado at mabigyan sila ng kaukulang tulong pinapayagan na ng DBM gamitin ang MOOE funds ng bawat ahensia ng pamahalaan.
Sinabi ni Lizada patuloy din ang kanilang pagcollate sa mga datos hinggil sa bilang ng mga government employees na infected ng Covid-19.
Ayon pa Commissioner, hirap sila makakuha ng datos sa region 7 dahil sa mahina ang internet connection duon.
Una ng sinabi ni Atty. Lizada na nasa 103 kawani ng Civil Service Commission (CSC) ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, hindi pa kasama dito ang 14 na regional offices sa buong bansa.
Makikipag-ugnayan na rin ang CSC sa Department of Health (DOH) para sa anumang kaukulang aksyon.