Nabili ng isang Canadian collector sa auction ang isang pares ng “Moon Shoe” na gawa ng Nike.
Gumastos si Miles Nadal ng $437,500 (P22-M) para mabili ang 1972 na gawa ng Nike.
Ang nasabing sapatos ay ibinenta sa Sotheby auction sa New York.
Ginawa ito para sa mga runners noong 1972 Olympic trials.
Nahigitan nito ang presyo ng pinakamahal na sapatos na nabili sa auction noong 2017 na isang pares ng Converse.
Ang nasabing sapatos ay naisuot ni NBA legend Michael Jordan noong 1984 Olympic basketball finals at ito ay nagkakahalaga ng $190,373.
Sinabi ni Nadal na ito na ang pang-99 na kakaibang sapatos na kaniyang nabili.
Plano ng 61-anyos na si Nadal na ilagay sa public display sa kaniyang private museum sa Toronto ang kaniyang mga collection.
Kabilang sa collection ni Nadal ay ang sapatos suot ni Marty McFly sa pelikulang “Back to the Future II”.