Mataas pa rin ang moral ng mga tropa ng Pilipinas sa kabila ng mas agresibong aksiyon ng mga Chinese sa Ayungin Shoal kamakailan ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Sa isang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Sec.Teodoro na sa gitna ng mga hamon, lalo silang na-inspire upang gampanan ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya.
Ang pagbisita din ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa headquarters ng Western Command ay nagpalakas ng moral ng mga sundalo dahil nakausap din ng pangulo ang ito at nalaman ang tunay na nangyari noong Hunyo 17.
Ang tinutukoy ng kalihim ay ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines – Western Command sa Palawan noong Linggo kung saan nakipagpulong siya sa mga naval personnel na sangkot sa engkuwentro noong Hunyo 17 sa Ayungin (Second Thomas) Shoal.
Kung saan iginawad ni Pang. Marcos ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan kay Seaman First Class Underwater Operator Jeffrey Facundo, ang naval officer na naputolan ng daliri sa insidente sa Ayungin.
Habang 79 na iba pa ang ginawaran ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kamagi.