Tiniyak ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na napakataas ng morale ngayon ng pambansang pulisya kahit pa sa mga kaliwa’t kanang isyu na ipinupukol sa kanilang hanay ngayon.
Sinabi ni Dela Rosa na dahil sa suporta na ipinapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP organization lalo na sa kanilang pangangailangan gaya ng mga kagamitan.
Kinumpirma ni Dela Rosa na simula ng maupo sa pwesto ang pangulo may dagdag na sa kanilang sahod na sa mga tinatanggap nila na allowances.
Pahayag ni Dela Rosa na umaasa sila na madadagdagan pa ang kanilang mga kagamitan, mga sasakyan.
Umaasa si Dela Rosa na wala ng problema sa procurement ng kanilang mga M4 na baril na kanilang binili sa Estados Unidos ng sa gayon madagdagan ang kanilang mga armas.
Siniguro din nito na marami na silang computer na magagamit habang ongoing ang kanilang recruitment para sa panibagong miyembro.