-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pansamantalang itinigil ang pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs) sa tatlong bayan sa Iloilo at sa Lalawigan ng Guimaras.

Ayon sa resolusyon na inaprubahan ng Western Visayas Inter-Agency Task Force – Emerging Infectious Diseases, hindi muna tatanggap ng mga LSIs ang bayan ng Janiuay, Oton kag Pavia.

Magtatagal ang moratorium sa Janiuay at Pavia hanggang Nobyembre 2, at hanggang Oktubre 25 naman sa Oton, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na layunin ng moratorium na makapagpanhinga ang mga frontliners at maiwasan ang paglobo ng COVID-19 cases.

Samantala, maging ang Lalawigan ng Guimaras ay nagpatupad rin ng moratorium sa nga LSIs hanggang sa Oktubre 25.