ILOILO CITY – Idudulog ng More Electric and Power Corporation sa National Bureau of Investigation, Energy Regulatory Commission at Kongreso ang umano’y pananabotahe dahil sa sunod-sunod na power interruption sa lungsod ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Jonathan Cabrera, tagapagsalita ng MORE Power, sinabi nito na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng technical at engineering team upang malaman ang final at official result kung ano ang dahilan ng mga fault.
Inihayag ni Cabrera na maraming linya ng kuryente ang naputol na siyang dahilan ng palagiang power interruption sa buong lungsod.
Sa ngayon ayon kay Cabrera, nais nilang patunayan na hindi nagkamali ang Kongreso at si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbigay ng pagkakataon sa MORE Power na palitan ang Panay Electric Company bilang power distributor.