-- Advertisements --

Nasa unang puwesto sina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao sa Pulse Asia Survey sa mga tatakbong senador sa 2022 election.

Sinundan ito nina Davao City Mayor Sara Duterte, mamamahayag na si Raffy Tulfo, Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Sorsogon Governor Francis Escudero sa top six.

Mayroong 54 percent ang nakuha ni Pacquiao at 53.7 percent naman ang nakamit sa survey ni Moreno.

Pasok naman sa Top 12 sina dating Senator Bongbong Marcos, Antique Rep. Loren Legarda, Senator Panfilo Lacson, dating Senator Jinggoy Estrada, Senator Juan Miguel Zubiri at dating Vice President Jejomar Binay.

Isinagawa ang face-to-face survey noong Hunyo 7 hanggang Hunyo 16 na mayroong 2,400 na participants.