-- Advertisements --

Napiling kumanta ng Philippine National Anthem sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang singer na si Morissette Amon.

Live niya itong kakantahin at ito ay magiging tradisyunal ang rendition at walang birit gaya ng estilo ng singer.

Ayon kay Kat de Castro ang co-chairperson ng SONA working committee na tutugtog muli ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) ng mga paboritong kanta ng pangulo.

Magiging pre-recorded na ito dahil sa ipinapatupad na health protocols.

Ilan sa mga tutugtugin nila ay ang “What A Wonderful World”, “Yester When I Was Young”, “Dust In The Wind” at “McArthurs’ Park”.

Kakantahin naman ni PPO singer na si Leigh Jocson ang “Pagbabago” ni Freddie Aguilar at “Ikaw” na kanta ni George Canseco.