-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang Morocco matapos na talunin ang Portugal 1-0 sa kanilang quartefinal match ng nagpapatuloy sa FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

Sila kasi ang unang Arab at African country na umabot sa semifinals ng FIFA World Cup.

Naipasok ni Youssef En Nesyr sa kaniyang header sa 42nd minuto para makuha ng ranked 22 na Morrocco ang kalamanga 1-0 laban sa ranked number 9 Portugal sa laro na ginana sa Al Thumama Stadium.

Kahit na nabigyan ng red card si Walid Cheddira ng Morocco ay hindi pa rin sila tumigil para makuha ang panalo.

Lubos pa rin ang kasiyahan ng mga fans na nanood ng laro dahil sa pagkatala ng kasaysayan.