Pasok na sa last 16 ang Morocco matapos na talunin ang Canada 2-1 sa Group F match ng 2022 FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar.
Unang nakapagtala ng goal si Hakim Ziyech para makuha ng ranked 22 na Morrcco ang kalamangan 1-0 laban sa ranked 41 na Canada sa laro na ginanap sa Al Thumama Stadium.
Matapos ang 24 minuto sa unang bahagi ng laban ay nakuha ng Canada ang unang goal ng mailihis ni Nayef Aguerd ang bola at pumasok ang bola sa panig ng kalabang koponan.
Pagpasok ng second half ay naipasok na ni Youssef En-Nesyri ang goal na nagbigay ng 2-1 na kalamangan para sa Morocco at mula noon ay hindi nila pinabayaan na makahabol pa ang Canada.
Dahil sa panalo ay mayroon ng seven points ang Moroco na lamang ng dalawang puntos sa runner-up na Croatia.
Ito na ang pangalawang beses na makapasok sila sa last 16 sa loob ng 36 taon at unang African country na makagawa ng nasabing tagumpay mula noong Mexico World Cup 1986.