Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong illegal detention na nakahain laban sa ilang pulis at opisyal ng militar kaugnay ng umano’y iligal na pag-aresto at pag-torture sa tinaguriang Morong 43.
Sa inilabas ng resolusyon ng 7th Division nakasaad ang pagkilala ng korte sa mosyon ng pitong akusado na humahamon sa ebidensya ng prosekusyon.
Ayon sa anti-graft court, bigo ang panig ng complainants na patunayan ang kanilang akusasyon na nilabag ng opisyal ang nilalaman ng Republic Act No. 7438.
Hindi pinansin ng korte ang testimonya ng 43 health workers na nagreklamo, gayundin ng human rights workers.
Kung maaala, iginiit ng mga complainant na hindi pumayag ang mga pulis at sundalo na magkaroon sila ng abogado kasunod ng pagkakaaresto sa kanila noong 2010.
“Hence, the court finds the evidence adduced by the prosecution insufficient to sustain indictment or to support a verdict of guilt thus, warranting the dismissal of the herein cases,”
Kabilang sa mga inakusahan noon sa kaso sina Lt. Gen. Jorge Segovia, retired Maj. Gen. Aurelio Baladad, B/Gen. Joselito Reyes, Col. Cristobal Zaragoza, Maj. Jovily Cabading, police Supt. Marion Balonglong at Supt. Allan Nobleza.