-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Anim na myembro ng local terrorist group ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters ang nagsurender sa otoridad matapos iniwanan ang kanilang mga kasama sa kabundukang bahagi ng Maguindanao.

Isinuko ng mga anim ang 81mm mortar , tatlong M14rifle , isang caliber 50 baret sniper rifle. Pinasalamatan naman ni M/Gen Juvymax Uy, Comander of Joint Task Force Central and 6th Infantry Division Philippine si Col. Ferdinand Lacadin, OIC of 1st Mechanized Brigade kasama si Hon Marop Ampatuan, Municipal Mayor ng Shariff Aguak, Maguindanao sa pagtulong para bumaba ang nasabing mga BIFF members.

Dagdag pa nito na mula sa mga high ranking sub group leader ng BIFF ang anim.

Napagod na umano ang ito sa walang katapusang encounter at walang papuntahang gulo at gusto na din na makasama ang kanilang pamilya.

Ginawa ang presentasyon sa Barangay Kamasi, Ampatu-an Maguindanao.